Dalawa arestado matapos mahulihan ng shabu at baril sa Maynila

By Ricky Brozas August 29, 2018 - 10:14 AM

MPD Photo

Arestado ng operatiba ng Sta. Cruz Police Station 3 ang dalawang personalidad kabilang ang isang babae matapos mahulihan ng baril at shabu sa Rizal Ave., Claro M. Recto Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Alberto Dela Pena, 54-anyos residente ng 467 Gasangan, Baseco at Mary Anne De Asis, 30-anyos residente ng 649 Baseco Port Area.

Napag-alaman na isang guwardiya ng isang fast food chain ang tumawag sa pulisya dahil sa naispatan niyang ang mga suspek na may nakasukbit na baril sa kanilang baywang.

Pagdating ng mga pulis sa lugar agad na kinapkapan ang dalawa at nakumpiska sa kanila ang dalawang kalibre 38 baril at mga bala, cellphone, wallet, pera at 3 pirasong plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Illegal Possession of Fire Arms at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

TAGS: drug suspects, manila, Radyo Inquirer, drug suspects, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.