Walang indikasyon na ISIS ang nasa likod ng pagsabog sa Sultan Kudarat

Red Cross Photos

Wala pang nakikitang ebidensya ang mga otoridad na magpapatunay na ISIS ang nasa likod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Isulan police chief Supt. Celestino Daniel, walang kumpirmasyon sa ngayon na susuporta sa pag-ako ng ISIS East Asia province.

Sa inisyal na ulat, 2 ang nasawi at 39 na ang sugatan sa pagpapasabog, isa sa mga nasugatan ay kritikal pa ang kondisyon.

Sa ngayon sinabi ni Daniel na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente kaya mahirap magbitiw ng mga spekulasyon.

Ayon kay Army 6th Infantry Division commander Captain Arvin Encinas sinuman ang nasa likod ng pag-atake ay mal.inaw na ang mga otoridad na nagbibigay seguridad sa Hamungaya festival ang target ng mga ito.

Read more...