Pagsabog sa Sultan Kudarat inako ng ISIS
Inako ng international terrorist group na ISIS ang responsibilidad sa pagsabog na naganap sa Sultan Kudarat.
Sa impormasyon na inilabas ng SITE Intelligence Group, inako ng Islamic State East Asia Province ang pagpapasabog na naganap Martes (Aug. 28) ng gabi.
Nakasaad sa pahayag na mga sundalo ang tinarget sa ginawang pagpapasabog ng IED.
Dalawa ang nasawi sa nasabing pagsabog habang hindi bababa sa 30 ang nasugatan.
Isang bag na iniwan ng isang suspek ang pinasabog habang ipinagdiriwang ang kapistahan sa bayan ng Isulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.