Pambatang gamot sa lagnat binawi sa merkado sa Amerika dahil sa pangambang magdulot ng overdose

Nagpatupad ng voluntary recall ang kumpanyang Pfizer sa kanilang gamot na Children’s Advil na ginagamit para sa lagnat at pain reliever para sa mga bata.

Ginawa ang nationwide recall sa Estados Unidos para sa Children’s Advil Suspension Bubble Gum flavor makaraang makatanggap ng reklamo ang kumpanya mula sa mga customer hinggil sa nakakalitong dosage markings ng gamot.

Base sa reklamo, ang dosage cup ay ginamitan ng teaspoons bilang pagsukat habang sa instructions sa label ng gamot at milliliters naman ang gamit na sukat.

Sa kanilang abiso, sinabi ng Pfizer na ang hindi pagkakatugma ngdosage cup at label instructions ay maaring magresulta sa posibleng overdose.

Dahil dito, ipinatupad na ang recall sa mga gamot na inilabas sa merkado mula May hanggang June 2018.

Kabilang sa apektado ng recall ang Children’s Advil Suspension Bubble Gum flavored 4fl. oz. bottle na mauroong
UPC #: 3-0573-0207-30-0 at Lot #: R51129 at ang expiration date ay sa November 2020.

Read more...