Mariana Islands niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Niyanig ng magbitude 6.4 na lindol ang northern Mariana Islands.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol sa 212 kilometers ng Garapan, Saipan alas 6:35 ng umaga oras sa Pilipinas.

Unang itinala ng USGS sa 6.6 ang magnitude ng lindol pero ibinaba ito sa 6.4 magnitude kalaunan.

Naramdaman din ang pagyanig sa Guam na ayon sa mga residente ay tumaga ng 30-segundo.

Ayon sa Guam Homeland Security and Civil Defense, wala pa naman silang natatanggap na ulat hinggil sa pinsala na idinulot ng lindol.

Wala ring inilabas na tsunami threat ang National Weather Service.

Read more...