Mahabang pila sa Comelec QC sa huling 3 araw ng registration at biometrics

By Erwin Aguilon October 29, 2015 - 08:51 AM

comelec qc 1Ilang araw bago ang deadline ay maaga at dagsa na sa tanggapan ng Commission on Elections sa Quezon City ang mga nais humabol para magparehistro at magpa biometrics.

Isa sa unang dumating si Aling Celerina Rosal ng Barangay Batasan Hills na alas dos ng madaling araw pa lamang ay nakapila na.

Ayon sa kanya, minabuti niyang magpunta ng maaga upang agad matapos dahil noong isang linggo ng pumila siya ay hindi na ito umabot sa cut off.

Sinabi naman ni Loreto Agpalasin ng Bahay Toro, Project 8 na wala siyang oras kaya ngayon lamang magpapa-biometrics.comelec qc 2

Hindi naman makaliban sa trabaho si Rosemarie Labringca ng Visayas Avenue kaya ngayon lamang siya nakapunta sa Comelec.

Magtatapos ang voters registration sa Sabado, October 31, 2015.

TAGS: biometricsregistration, comelec, QC, biometricsregistration, comelec, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.