Mga reklamo tungkol sa “tanim-bala”, iimbestigahan ng DOTC
Kakalapin at pagsasama-samahin ng Department of Transportation and Communications ang lahat ng mga kaso ng umanoy “tanim-bala” sa NAIA para mapaimbestigahan.
Sa isinagawang press briefing matapos ang inspection sa NAIA T3 para sa paghahanda sa undas, sinabi ni DOTC Secretary Jun Abaya na kinakailangan ng malaliman imbestigasyon sa usapin lalo at marami ang nahuhulihan ng bala sa airport na umanoy ‘itinanim’ o sadyang inilagay sa mga bagahe ng mga pasahero para mangotong.
Paliwanag ni Abaya, kailangan mapanagot ang mga may sala kung mapapatunayan na may kasalanan at gayundin naman, mapawalang sala ang mga inosente sa usapin ng “tanim-bala”.
Kaugnay nito, wala naman nakikitang problema sa airport sa ngayon ang DOTC sa ginawang inspection sa NAIA T3 bagaman may ilang mga naantalang byahe ng eruplano o mga domestic flights dahil pa rin sa air traffic congestion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.