Dating inmate arestado dahil sa umano’y pang-aamok sa San Juan City

By Rod Lagusad August 29, 2018 - 12:14 AM

Arestado ng San Juan City Police ang isang dating inmate matapos umanong itong mang-amok.

Ayon sa pulisya, inaresto si Joey Ecat, 37 taong gulang matapos umanong manghamon ng away sa Barangay 2nd West Crame.

Una nang nakulong si Ecat mula 2007 hanggang 2015 dahil sa umano illegal possession ng droga.

Ayon sa ulat, pinisikal umano ng kapitbahay nito na si Andrew Retuya si Ecat dahil sa ugali nito pero agad namang napahupa ng mga pulis ang gulo.

Dahil sa insidente, dinala ang dalawa sa Barangay at doon inaayos ang gulo pero nang papalabas na si Retuya ay muli na namang gumawa ng bagong komosyon si Ecat kaya inaresto na siya ng mga pulis.

Base sa paunang imbestigasyon ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Ecat nang maganap ang insidente.

Dahil sa insidente naghaharap ngayon si Ecat sa kasong mga kasong may kaugnayan sa alarm and scandal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.