Kerwin Espinosa naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong drug trading
Nagpasok ng not guilty plea ang umaming drug trader na si Kerwin Espisona at dati nitong aide na si Marcelo Adorco para sa kasong conspiracy to commit drug trading sa Makati City Regional Trial Court (RTC).
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, nag-apply ang Department of Justice (DOJ) ng alias warrant sa Makati RTC kung saan nakasaad ang dagdag na address ng kapwa akusado ni Espinosa na si Peter Lim.
At large ngayon si Lim pero sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi pa ito lumabas ng bansa batay sa immigration records.
May kaugnayan ang kaso sa umanoy pagbebenta ng shabu sa Regions 7 at 8 ng tinatawag na Espinosa group at si Lim ang umanoy supplier.
Una nang kinilala ni Pangulong Rodrigo si Lim bilang ang big time drug lord na si “Jaguar” habang si Espinosa ay umamin sa pagbebenta ng droga.
Una nang iginiit ng kampo ni Espinosa na hindi pwedeng gamitin ang affidavit nito laban sa kanya kung saan sinabi nitong sangkot siya sa drug trading.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.