Huling lalaki sa viral video habang nasa pot session sumuko na

By Justinne Punsalang August 29, 2018 - 01:47 AM

Contributed photo

Napigilan sa pagtakas ng kanyang ina ang lalaking sangkot sa viral video kung saan makikitang bumabatak ito kasama ang kanyang anim na mga kaibigan ng marijuana at minura pa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakilala ang huling drug suspek na si Rhandal Louis Roque, 21 taong gulang.

Kwento ng kanyang ina, nasa bus na ang kanyang anak upang magtago sa Camarines Sur ngunit kinumbinsi niya ito na sumuko na sa mga otoridad.

Makalipas ang ilang pakiusapan ay pumayag si Roque at bumaba ng bus sa may Quezon province at boluntaryong nagtungo sa Malabon Police Station upang sumuko.

Dumating sa naturang himpilan ng mga pulis si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar ay pinagsabihan si Roque at kanyang mga kasamahan.

Sa ngayon ay nakaditine ang pitong lalaki sa Malabon City Police.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.