Mag-amang tulak ng droga arestado sa Marikina City

By Justinne Punsalang August 29, 2018 - 04:28 AM

Marikina City Police

Arestado ang mag-ama, maging ang kanilang kasambahay dahil sa paggkakasangkot sa pagbebenda ng iligal na droga sa Barangay Concepcio Dos, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Edwin Cabilin, 45 taong gulang; anak nitong si Lance Edwwin, 18 taong gulang; at kanilang kasambahay na si Marissa Medina alyas Sasa, 50 taong gulang.

Mismong sa bahay ng mga drug suspek naganap ang transaksyon ng pulisya.

Narekober mula sa mga ito ang pitong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia na mayroong residue ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, at isang digital weighing scale.

Nakapiit na ang mga salarin sa Marikina City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.