High value target sa Laguna patay matapos manlaban sa mga otoridad

Laguna Provincial Police

Dead on the spot ang isang lalaking suspek sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Barandal, sa Calamba, Laguna.

Kinilala ang nasawing suspek na si Ponciano Deticio alyas Potpot na kabilang sa Top 10 Provincial High Value Target ng Laguna. Habang naaresto naman ang kanyang mga kasamahan na sina Elmer Dimaano, 40 taong gulang, at Eunice Eliorda, 23 taong gulang, na kapwa kabilang sa drugs watchlist ng mga otoridad.

Ayon sa mga otoridad, matapos ang transaksyon ng shabu at aktong aarestuhin ang mga suspek ay bumunot ng baril si Deticio at pinaputukan ang mga otoridad. Ngunit gumanti ng putok ang pulisya at nauwi sa engkwentro ang operasyon na siyang nagresulta sa pagkamatay ng pangunahing suspek.

Narekober mula dito ang isang baril at apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sina Dimaano at Eliorda sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...