Pahayag ito ng palasyo matapos batikusin ni Senador Panfilo Lacson ang pagbibitbit ng pangulo bilang reward o pabuya sa mga opisyal ng militar at pulis na nagsilbi sa bayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may sariling agenda ang mga opisyal ng militar at pulis at tiyak na makakukuha ng mga benepisyo sa pakikipagpulong sa kanilang counterpart lalo na sa usapin sa extremism at terorismo.
Inihalimbawa pa ni Roque ang ginawa ng pangulo nang magsama rin ng mga opisyal ng PNP at AFP sa Russia noong Mayo ng nakaraang taon.
Pagkatapos ng Israel trip ay sunod na bibistahin ng pangulo ang Jordan.
“As a part of gesture for appreciation is part of the reason why they will be joining the trip. But obviously, for security personnel, a trip to Israel would entail collaborating and mingling with security forces of Israel in order for our men in uniform to benefit from the experience of Israel, particularly in their drive against extremism and terrorism”, dagdag pa ni Roque.