Bohol Rep. Relampagos inakusahan ng harassment ang Ombudsman

October 29, 2015 - 04:56 AM

 

Inquirer file photo

Harassment na itinuturing ni Bohol Rep. Rene Relampagos ang kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kaniya at iba pang mga lokal na opisyal sa Sandiganbayan.

Ayon kay Relampagos, hindi basta nagkataon lamang na sa tuwing dumarating ang panahon ng eleksyon, ay muling nabubuhay ang kasong may kinalaman sa isa’t namumukod tanging dahilan lamang.

Giit niya, walang anomalya sa joint venture agreement na pinasok ng lokal na pamahalaan ng probinsya kasama ang consortium na Salcon International Inc., Salcon Power Corp., Pure and Pam Inc., Salcon Philippine Inc. at Salcon Ltd. noong siya pa ay gobernador noong 2000.

Aniya, mula sa mga konsultasyon hanggang sa mismong bidding, isinagawa nila ng may transparency at accountability.

Magugunitang kinasuhan ng graft si Relampagos pati na rin ang kasalukuyang Gov. Edgardo Chatto at iba pang kawani ng gobyerno sa Sandiganbayan dahil sa hinihinalang sadyang pagpapababa sa presyo ng privatization ng water at electricity utilities ng probinsya ng hanggang sa P627 milyon noong 2000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.