Kamara nilusob ng mga miyembro ng Lumad sa gitna ng budget deliveration

By Erwin Aguilon August 28, 2018 - 04:36 PM

Photo: Erwin Aguilon

Lumusob sa harap ng South Gate ng Kamara ang mga miyembro ng Lumad kasabay ng pagdinig sa 2019 budget ng Department of Education sa susunod na taon.

Ang pagkilos ay ginawa ng grupo upang batikusin ang Department of Education dahil sa kawalan ng mga ito ng aksyon upang protektahan ang mga eskwelahan sa sinasabing patuloy na pag-atake ng mga sundalo.

Sa tala ng Save our Schools Mindanao, umabot na sa 18 ang insidente ng harassment sa kanilang mga paaralan ngayong taong 2018.

Aabot anila sa mahigit limang libong indibidwal ang naapektuhan kabilang ang mga estudyante at guro.

Bukod pa anya ito sa ginagawang panggigipit sa mga Lumad achools sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng permit to operate dahilan upang 70 eskwelahan nila ang nagsara.

Lumabas naman ng Kamara sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Kabataan Rep. Sarah Elago, ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro para samahan ang mga nagpoprotesta.

TAGS: ACT, deped, Kamara, Lumad, tinio, ACT, deped, Kamara, Lumad, tinio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.