Brgy. officials inutusan ng DILG na maglinis ng mga kanal

By Rod Lagusad August 28, 2018 - 04:26 PM

Inquirer file photo

Nagpa-alala ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay na magpatupad ng tamang solid waste management para maiwasan ang pagkakakaroon ng matinding pagbabaha sa tuwing panahon mg tag-ulan.

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, dapat magsimula ito sa mismong mga barangay para maiwasan ang pagbabara ng drainage system na siyang sanhi ng pagbabaha.

Naglabas ang DILG memorandum circular na nakaugnay sa R.A. 9003 o ang Ecological and Solid Waste Management Act of 2000, na nag-uutos na muling buuin ng mga opisyal ng barangay ang kanilang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee. (BESWMC).

Ang naturang komite ang siyang tutulong sa pagbuo ng waste program alinsunod sa plano ng kinabibilangang lungsod o munisipalidad.

Dagdag pa ni Año ay hindi pa huli ang lahat at mapipigilan pa ang matitinding pagbaha kung may tamang solid waste management.

TAGS: año, barangay, DILG, memorandum, waste management, año, barangay, DILG, memorandum, waste management

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.