CJ De Castro pinayuhan ang mga kritiko na mag-move on
Walang balak ang bagong Supreme Court Chief Justice na pag-aksayahan ng panahon ang impeachment complaint na isinampa laban sa kanya sa Kamara.
Sinabi ito ni Chief Justice Teresita De Castro sa pagharap nito sa mga miyembro ng media bago ang pagsisimula ng oral argument para sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na lumikha ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay De Castro, maikli lamang ang kanyang panunungkulan kaya wala siyang planong pag-isipan ang reklamo sa kanya ng mga opposition congressmen.
Sa halip ang gusto aniya niyang pagtunuunan ng pansin ay ang kanyang trabaho bilang punong mahistrado at kung paano lalong mapapabuti ang hudikatura.
Pinayuhan naman nito ang kanyang mga kritiko na mag move-on na magtrabaho na lamang.
Samantala, naniniwala si De Castro na makabubuti ang paggamit ng seniority sa pagpili ng susunod na chief justice para maging maayos ang samahan ng mga mahistrado.
Ang impeachment complaint laban kay De Castro ay isinampa ng mga kongesista sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman dahil sa paglabag umano nito sa Saligang Batas nang paboran ng mga ito ang quo warranto petition na nagpatalsik sa puwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.