DOF pabor na ibigay sa mga binagyo ang mga kumpiskadong smuggled rice

Inquirer file photo

Hindi tutol ang Department of Finance sa mungkahi na ipamahagi sa mga nasalanta ng bagyo ang mga nakumpiskang libo-libong sako ng smuggled na bigas.

Sa pagdinig sa Kamara sinabi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua, pag-aaralan nila kung ano ang paraan na kanilang gagawin upang maisakatuparan ito.

Ayon naman kay Department of Social Welfare and Development Usec. Florita Villar, magsusumite sila ng existing guideline sa pamamahagi ng mga donated na bigas mula sa gobyerno.

Ang pahayag ay reaksyon sa liham ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua kay Customs Commissioner Isidro Lapeña para hilingin na ibigay sa DSWD ang nasabat na 50,000 sako ng smuggled na bigas.

Ipinauubaya naman ni Lapeña sa DOF at sa National Food Authority ang pag-apruba sa mungkahing ni Cua.

Read more...