Gobyerno pinayuhang direktang bumili ng palay sa mga magsasaka
Hinikayat ng Makabayan bloc sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Ayon sa Makabayan bloc, kailangang bumili ang pamahalaan ng maraming palay sa mga magsasaka sa halagang P20 kada kilo mula sa kasalukuyang P17.
Kailangan anyang maging available ito sa lahat ng mga tindahan sa murang halaga.
Kung ibibili anya ng palay ang P7 Billion subsidiya ng gobyerno sa halagang P20 kada kilo ay makalilikom ng 350,000 metric tons ng palay o 4.5 milyong sako ng milled rice.
Dapat din anyang samantalahin ng pamahalaan ang harvest season sa bansa dahil makatutulong ito para kumita ang mga local farmers at sa pagpuno ng kakulangan sa suplay ng bigas.
Sa halip din ayon sa Makabayan bloc na halip na i-abolish ang NFA ay dapat pa ngang taasan ang budget ng ahensya para sa pagbili ng palay sa mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.