Fr. Amado Picardal pinakukuha ng writ of amparo sa korte

Pinatitigil na ng Malakanyang si Father Amado Picardal sa paulit-ulit na pagdedeklara na may banta sa kanyang buhay at lilikidahin ng Davao death squad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip na dumakdak sa media, mas makabubuti kung dumulog na lamang si Picardal sa korte at humingi ng writ of amparo at gamitin ang lahat ng remedyong legal.

Ayon kay Roque, madali namang makakuha ng wirt of amparo kahit sa lower court lamang.

Kapag napatunayan aniya na may banta sa buhay si Picardal at nakakuha ng writ of amparo, awtomatikong mabibigyan siya ng proteksyon ng pamahalaan.

Pinabulaanan din ni Roque na may Davao death squad.

Una rito, sinabi ni Picardal na nagtatago na siya dahil mayroong Davao death squad ang humahanting sa kanya.

Iginiit ng pari na nais siyang ipapatay ng administrasyon dahil sa kanyang hawak na dokumento kaugnay sa extra judicial killings na.

Read more...