LOOK: Lalaki nagtangkang tumalon mula sa 3rd floor ng SM North EDSA

Credit: Yel Mont / Narciso Valdez Jr.

Isang lalaki ang nagtangkang tumalon mula sa ikatlong palapag sa loob ng SM North EDSA sa Quezon City.

Sa mga larawang ibinahagi ng mga netizen nakasuot ng itim na T-shirt at shorts na pumakabila sa salaming harang at saka umupo sa kakaprasong semento sa 3rd floor ng mall.

Sa kuha ng FB user na si Yel Mont, makikita ang dalawang babae security guard na tila hinihikayat ang lalaki.

Ayon naman sa netizen na si Narciso Valdez Jr., na mula sa grupo ng mga fire volunteer at nagkataong naroroon sa lugar, na-rescue din naman ang lalaki makaraang makumbinsi ito ng mga otoridad.

Read more...