Top drug suspect, 2 iba pa patay sa engkwentro sa Laguna at Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2018 - 10:44 AM

Police banner

Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang trop drug suspect sa Laguna ang nasawi sa buy-bust na nauwi sa engkwentro sa Laguna at Batangas.

Sa Laguna, nasawi si Ponciano Deticio, alyas Potpot nang maka-engwentro ang mga tauhan ng Laguna Intelligence Police sa Calamba City sa Barangay Barandal.

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon police, si Deticio ay number sa drug watchlist ng pulisya.

Nanlaban umano si Deticio dahilan para masawi ito habang nadakip naman ang dalawa niyang kasama na sina Elmer Dimaano at Eunice Eliorda.

Samantala, sa San Jose Batangas, patay ang dalawang drug suspects sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad, Lunes ng gabi.

Kinilala lamang ang dalawa na sina alyas “Tiong” at alyas “Jojo.”

Binentahan umano ng ilegal na droga ng dalawa ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nang malamang pulis ang katransaksyon, bumunot ng baril si Jojo at nagpaputok at saka tumakas, dahilan para mauwi pa sa habulan ang operasyon.

TAGS: Calamba City Laguna, Radyo Inquirer, San Jose Batangas, War on drugs, Calamba City Laguna, Radyo Inquirer, San Jose Batangas, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.