WATCH: P6M halaga ng shabu nasabat sa Cebu City

CDN Photo

Mahigit sa P6 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa anti-drug operation sa Barangay Apas, Cebu City Lunes ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (DEU), City Intelligence Branch (CIB) at City Force Mobile Company of Cebu City Police Office.

Naaresto sa nasabing operasyon sina Hubert Plarisan, Orvelle Quijada at isang 17 anyos na binatilyo.

Nakumpiska sa tatlo ang ilang mga pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahala ng P6.4 milyon.

Read more...