DA at NFA pinagpapaliwanag sa hindi masolusyunang problema sa bigas
Ikinakasa na ng kamara ang imbestigasyon kaugnay sa problema sa bigas ng bansa.
Ayon kay House Committee on Agriculture Chair Jose Panganiban, pagpapaliwanagin nila ang Department of Agriculture at National Food Authority kaugnay sa hindi matapos tapos na problema sa bigas.
Sinabi ni Panganiban na sumulat na sila sa DA at NFA upang hingan ng paliwanag kaugnay sa pagkakaroon ng bukbok ng malaking bahagi ng imported na bigas.
Nais din ng mga itong malaman kung bakit tumaas ng hanggang 70 pesos ang kilo ng bigas sa ilang bahagi ng Mindanao.
Hindi rin kumbinsido si Panganiban sa pahayag ng NFA na maari nang ipamahagi ang mga binukbok na bigas sa Subic matapos itong sumailalim sa fumigation.
Kailangan aniyang mayroon munang certification na fit ito for human consumption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.