One-way traffic ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa BGC mula Sept. 17

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2018 - 09:54 AM

Simula sa September 17 magpapatupad ng one-way traffic sa ilang pangunahing lansangan sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Kabilang sa maaapektuhan ng one-way traffic scheme ang kahabaaan ng 9th Avenue-34th Street-8th Avenue-7th Avenue-Federacion Drive, gayundin ang 28th Street-11th Avenue-30th Street-Rizal Drive area.

Ayon sa pahayag ng Bonifacio Estate Services Corporation, ang pagpapatupad ng one-way traffic ay nakita na nilang epektibo sa mga lansangan ng BGC.

Magpapatuloy din ang mahigpit na pagpapatupad ng clamping at towing operations sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan.

Umaasa ang BGC na mas makatutulong ang bagong traffic scheme para mabawasan ang pagsisikip ng traffic.

TAGS: BGC traffic, onw way traffic scheme, BGC traffic, onw way traffic scheme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.