Sobrang panonood TV, kunektado sa ilang nakamamatay na sakit

By Jay Dones October 29, 2015 - 04:50 AM

 

Inquirer file photo

Ang sobrang panonood ng telebisyon o TV ay maiuugnay sa walong uri ng karamdaman na nakamamatay.

Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, na inilathala sa American Journal of Preventive Medicine, nakumpirmang may koneksyon ang sobrang panonood ng TV sa maghapon sa ilang sakit sa puso at cancer.

Ginawa ang pag-aaral sa 221,000 indibidwal na umeedad 50 hanggang 71 taong gulang ng National Cancer Institute sa Estados Unidos.

Lumitaw sa pagsasaliksik na ang indibidwal na nanonood ng TV ng apat na oras o higit pa, ay may 15% tsansa na mamamatay sanhi ng cancer o heart disease kumpara sa isang tao na nanonood lamang ng TV ng isang oras o mas mababa.

Tumataas pa ito ng 47% kung ang isang tao ay nanonood ng telebisyon ng pitoing oras kada araw o higit pa.

Bukod sa cancer at sakit sa puso, iniimbestigahan din ng mga eksperto ang kuneksiyon ng mahabang panonood ng telebisyon sa iba pang sakit na nakamamatay tulad ng diabetes, Parkinson’s disease at liver disease.

Sa average, ang isang tipikal na American ay nanonood ng 3 1/2 na oras ng TV kada araw.

Paliwanag ni Dr. Sarah Keadle, pangunahing imbestigador ng research study, ipinapakita lamang nito na maraming negatibong epekto sa katawan ng tao ang sobrang pag-upo o ‘sedentary lifestyle’ .

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.