22,000 sako ng smuggled na bigas nasabat sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2018 - 08:50 AM

PCG Photo

Aabot sa 22,000 sako ng bigas ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang barko sa karagatang sakop ng Tamuk Island sa Basilan.

Habang nagsasagawa ng Maritime Patrol ang mga tauhan ng Coast Guard sa M/L Overseas at M/L Nadeepa ay natuklasan ang saku-sakong mga smuggled na bigas.

Nang hingan ng papel ay walang naipakitang karampatang dokumento ang mga crew ng dalawang barko.

Agad pinigil ng Coast Guard ang dalawang barko at inasistihan patungo sa Zamboanga City Port.

Nai-turnover na rin ng Coast Guard sa Bureau of Customs ang mga nasabat na bigas.

TAGS: philippine coast guard, Radyo Inquirer, philippine coast guard, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.