Hinihinalang pusher patay sa buy-bust operation sa Caloocan

By Jong Manlapaz August 28, 2018 - 08:15 AM

NPD Photo

Napatay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 2, DM. Compound, Caloocan City.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Northern Police District Drug Enforcement Unit.

Kinilala ang nasawing suspek na Rodel Tayag, 33 anyos.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsasagawa ng buy-bust operation ang NPD-DEU sa lugar pero ng maramdaman ni Tayag na pulis ang kanyang katransaksyon agad itong bumunot ng baril.

Gayunman, naunahan siya ng mga pulis na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Nakuha sa lugar ang limang basyo ng 9mm, isang revolver, black pouch bag na naglalaman ng digital na timbangan, lighter, apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500.

TAGS: anti-illegal drugs, buy bust, caloocan, War on drugs, anti-illegal drugs, buy bust, caloocan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.