Sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel at Jordan, pinatututukan ni Pang. Duterte kay DENR Sec. Roy Cimatu

By Chona Yu August 28, 2018 - 07:51 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu na tutukan ang lagay ng mga Pilipino sa Israel at Jordan.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, sinabi ng pangulo na mayroon kasing mamumuo na mainit na sitwasyon sa Israel at Jordan na maaaring mauwi sa giyera.

Paliwanag pa ng pangulo na ito ang dahilan kung kaya isasama niya sa nakatakda niyang pagbiyahe sa Israel at Jordan si Cimatu na una nang naging Special envoy to the Middle East sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon sa pangulo mayroong 48,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasa bansang Jordan habang aabot naman sa 28,00 Filipino ang nagtatrabaho sa Israel.

Magtutungo ang pangulo sa Israel sa September 2 hanggang 5 at pagkatapos nito ay tatawid sa Jordan.

TAGS: DENR, israel, Jordan, Radyo Inquirer, roy cimatu, DENR, israel, Jordan, Radyo Inquirer, roy cimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.