5 apartment nasunog sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2018 - 06:55 AM

Photo Credit: FEPAG

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Bangkal sa Makati City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng madaling araw sa bahagi ng P. Binay Street kanto ng Estrella.

Ayon sa Makati Fire Department umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang under control bago mag alas 5:00 ng umaga.

Wala namang nasaktan o nasugatan bunsod ng nasabing sunog na tumupok sa limang pintong apartment.

Inaalam po ang kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

TAGS: fire incident, makati city, Radyo Inquirer, fire incident, makati city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.