11 drug suspects arestado sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2018 - 06:41 AM

Inquirer file photo

Arestado ang labingisang katao sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga na ikinasa ng Makati City Police.

Unang nadakip ang 7 katao, kabilang ang isang barbero at grocery bagger nang ikasa ang buy-bust operation sa Kalayaan Ave., Barangay Pitugo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 17 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa isinagawa namang follow-up operation sa Barangay South Cembo, naaresto ang isang tricycle driver na umano ay supplier ng ilegal ng droga ng unang pitong naaresto.

Nakuha sa suspek na si Alyas Gani ang 3 sachet ng shabu.

Samantala, 3 lalaki naman na nagsusugal sa Barangay Guadalupe Viejo ang inaresto din matapos mahulihan ng shabu.

Ayon sa Makati police, mayroong nagreklamo sa kanila hinggil sa ginagawang pagsusugal sa naturang lugar.

Nang kapkapan ang mga hinuli, nakuha mula sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: 11 arrested, anti illegal drugs operation, makati city, War on drugs, 11 arrested, anti illegal drugs operation, makati city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.