Hiling na extension ni Poe para isumite ang DNA result, pinagbigyan

By Jay Dones October 29, 2015 - 04:42 AM

 

Inquirer file photo

Pinahintulutan ng Senate Electoral Tribunal o SET ang kahilingan ni Senador Grace Poe na mabigyan pa ng dagdag na panahon para maisumite ang resulta ng kanyang DNA test results.

Ayon kay SET Spokesperson Irene Guevarra, binibigyan ng tribunal si Poe ng hanggang November 5, upang maisumite ang naturang DNA results.

Matatandaang noong huling oral argument, kinumpirma ng abugado ni Poe na si Atty. Alex Poblador na sumalang sa DNA testing ang mambabatas.

Layunin ng DNA test na makumpirma ang posibleng pagkakakilanlan ng mga magulang ni Poe at matapos na ang debate kung ito ba ay Filipino o hindi.

Ang citizenship ng senadora ang sentro ng inihaing disqualification case laban dito ng isang dating kumandidatong senador na si Rizalito David.

Sa quo warranto petition ni David sa SET, iginigiit nito na hindi dapat na ituring ni Poe na isa siyang natural-born Filipino dahil isa itong ‘foundling’.

Dagdag pa ni David, si Poe ay inabandona ng kanyang mga tunay na magulang sa hindi batid kung mga Pilipino o hindi.

Matapos abandonahin sa isang simbahan sa Jaro-Iloilo, inampon ng mga artistang sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.