2 arestado sa buy bust sa Malabon City

By Justinne Punsalang August 28, 2018 - 04:50 AM

Timbog ang dalawang lalaki matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Longos, Malabon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerrizaldy Perez, 40 taong gulang na isa umanong tulak ng droga; at Bernardo Besa alyas Jonjon, 39 na taong gulang at isa namang drug user.

Ayon sa mga operatiba ng Malabon City Police, naaresto ang dalawa matapos ang transaksyon ng droga kung saan narekober ang anim na piraso ng maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ng P5,000 ang nasabat na droga mula sa dalawa.

Kapwa mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: malabon city, malabon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.