Batang namatay dahil sa dengue hindi nabakunahan ng Dengvaxia — DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi binigyan ng Dengvaxia vaccine ang isang 13 taong gulang na dalagita na namatay dahil sa dengue.

Ito ay matapos dumulog ang pamilya ni Jazzmine Alimagno sa Public Attorney’s Office (PAO) at sabihin ng kanyang mga kaanak na nabakunahan umano ito ng Dengvaxia.

Batay sa certification galing sa city health office ng Antipolo, Rizal walang natanggap na kahit isang dose ng anti-dengue vaccine si Alimagno dahil wala itong naibigay na consent form na pirmado ng kanyang mga magulang.

Ngunit giit ni PAO chief, Atty. Percida Acosta, bagaman walang hawak na vaccine card ang pamilya Alimagno ay hindi ito nangangahulugan na hindi nabigyan ng kontrobersyal na bakuna ang bata.

Giit nito, hindi lahat ng naturukan ng Dengvaxia ay nabigyan ng Dengvaxia card.

Paliwanag pa ng abugada, batay sa affidavit ng ama ng bata, inamin ni Alimagno na naturukan siya ng Dengvaxia.

EXCERPT:

Read more...