Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental kagabi.
Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig alas-10:20 kagabi.
Naitala ang episentro ng lindol sa 13km hilagang-silangan ng Don Marcelino at may lalim itong 161km.
Tectonic ang sinasabing dahilan ng pagyanig.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian, maging mga aftershocks ang naganap na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.