Mahinang lindol, naramdaman sa Occidental Mindoro

By Justinne Punsalang August 28, 2018 - 04:34 AM

Niyanig ng lindol ang bayan ng Looc sa Occidental Mindoro bago mag-alas-12 ng hatinggabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol sa 134km timog-kanluran ng nasabing bayan alas-11:49 kagabi.

May lalim ang lindol na 25km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon pa sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang anumang aftershocks ang naganap na magnitude 3.0 na pagyanig.

Wala ring inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian ang nasabing lindol.

TAGS: lindol, Occidental Mindoro, lindol, Occidental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.