Impeachment hearing laban sa pitong SC justices bibilisan ng Kamara

By Erwin Aguilon August 27, 2018 - 06:44 PM

Plano ng House Justice Committee na magsagawa ng araw-araw na pagdinig sa reklamong impeachment laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador Doy Leachon, pinuno ng komite, bibilisan nila ang pagdinig dahil marami pa silang prayoridad tulad ng panukalang budget sa taong 2019.

Ito rin ang gusto ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo upang hindi makasagabal ang impeachment sa mga legislative agenda ng Kamara.

Nais din ng mambabatas pagsamahin ang mga reklamong nakapaloob sa impeachment dahil magkaka-ugnay naman ito.

Iginiit naman ni Leachon na hindi masasakripisyo ang legalidad ng proseso ng impeachment proceedings.

Sa September 4 ganap na alas-nueve ng umaga sisimulan ng house panel ang pagdinig sa reklamo.

TAGS: Arroyo, house justice committe, impeachment, Justices, leachon, Supreme Court, Arroyo, house justice committe, impeachment, Justices, leachon, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.