Mga kaso laban kay Poe, maaring umabot pa sa SC

By Kathleen Betina Aenlle October 29, 2015 - 04:39 AM

Inquirer file photo

Ayaw na ng Commission on Elections (Comelec) na palampasin ng Disyembre ang pagreresolba sa tatlong disqualification cases laban kay Sen. Grace Poe.

Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay magiging maayos na ang lahat para kay Poe, dahil sakaling hindi pumanig ang desisyon ng Comelec sa mga humahamon kay Poe, inaasahang iaakyat nila ang mga kaso sa Supreme Court.

Ayon kay Comelec Commissioner Arthur Lim, hindi magaaksaya ng panahon ang ahensya sa paghawak ng mga kaso laban kay Poe.

Dalawa sa mga nasabing kaso ay umiikot sa citizenshop ni Poe habang ang pangatlo naman ay bumabatikos sa pagkakakumpleto niya sa 10-year residency rule para sa mga presidential candidates.

Ani Lim, pagsailalim ng mga kaso sa tamang proseso, at iginiit niya na maigi nilang pinagaaralan ang mga isyu at ebidensyang may kaugnayan sa mga nasabing kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.