Presyo ng diesel at gasolina muling tatataas bukas

By Den Macaranas August 27, 2018 - 03:34 PM

Inquirer file photo

Magpapatupad ng panibagong oil price hike bukas ang mga kumpanya ng langis.

Sa advisory na kanilang ipinadala sa Department of Energy, umaabot sa P0.60 ang dagdag sa presyo ng diesel, samantalang P0.10 naman sa gasolina at P0.45 para sa kerosene o gaas.

Ipatutupad ang price adjustment simula alas-sais ng umaga bukas araw ng Martes.

Noong nakalipas na linggo ay umaabot sa P0.25 ang dagdag sa presyo ng diesel samantalang P0.15 naman sa kada litro ng gasolina.

Sa tala ng DOE, ang presyo ng diesel ay naglalaro sa pagitan ng P41.10 hanggang P51.23 kada litro depende sa klase at brand name.

Ang presyo naman ng gasolina ay mabibili mula P45.20 hanggang P62.95 ang bawat litro.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, price hike, BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.