Pagtatalaga ni Pang. Duterte kay De Castro dapat igalang ayon sa ilang mga mambabatas
Ipinagtanggol ng mga miyembro ng mayorya sa kamara ang ginawang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Associate Justice Teresita Leonardo – De Castro bilang bagong Chief Justice ng Supreme Court.
Ayon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, ginawa lamang ng pangulo ang kanyang mandato sa pagpili ng bagong punong mahistrado ng korte.
Sinabi ni Abu na nasa kapangyarihan ng pangulo na pumili kung sino ang gusto nitong maging chief justice.
Wala rin anyang nilabag na anumang batas ang presidente sa pagtatalaga kay De Castro.
Hinimok naman ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair at Samar Rep. Ben Evardone ang mga kritiko na igalang ang pasya ng pangulo sa kung sino ang nais nitong maging chief justice.
Tulad ni Abu, sinabi ng Samar solon na prerogative ng pangulo sa ilalim ng Saligang Batas ang pagpili ng punong mahistrado ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.