Pilipinas basketball team tinalo ng Korea sa score na 91-82
Bigo ang basketball team ng Pilipinas na talunin ang koponan ng Korea sa nagpapatuloy na Asian Games.
Tinalo ng Korea ang Pilipinas sa score na 91-82.
Maganda ang naging simula ng Korea sa 1st quarter pero nagawang makahabol ng Pilipinas sa 2nd quarter.
Lumamang pa ang Pilipinas sa 3rd quarter pero nagpakawala ng magkakasunod na three points ang Korea sa 4th quarter.
Ito na ang ikalawang talo ng Pilipinas men’s basketball team sa Asian Games, matapos mabigo sa China.
Dahil sa pagkatalo, nawala na ang tsansa ng Pilipinas men’s basketball team na makasungkit ng medalya sa Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.