Pagtatalaga ni Pang. Duterte kay CJ De Castro walang bahid pulitika

By Chona Yu August 27, 2018 - 12:09 PM

Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtatalaga kay Chief Justice Teresita De Castro.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ng pangulo na walang political color ang kanyang pagtatalaga kay De Castro.

Sinabi pa ng pangulo na seniority ang kanyang naging basehan kay De Castro at hindi pabuya dahil sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Iginiit pa ng pangulo na bawal ang singitan sa merit system.

Sinabi ng pangulo na patuloy niyang paiiralin ang seniority na basehan maging sa militar, civil service at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Binweltahan din ng pangulo sina Magdalo Representative Gary Alejano at Senador Antonio Trillanes IV sa pagbatikos sa kanyang appointment kay De Castro.

Nakagugulat aniya kung paano naka-survive si Trillanes sa Philippine Military Academy gayung sablay naman ang kanyang character, ang kanyang bunganga at mababa ang IQ.

TAGS: Chief justice, Radyo Inquirer, Supreme Court, teresita de castro, Chief justice, Radyo Inquirer, Supreme Court, teresita de castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.