Record ni Taylor Swift sa Youtube, winasak ng BTS
By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2018 - 11:50 AM
Tuluy-tuloy ang tagumpay ng K-pop group na BTS.
Matapos i-release ang kanilang music video para sa single na “Idol”, agad itong itinuring na “most-viewed video” sa loob lang ng 24-oras.
Ang naturang record ay unang hinawakan ni Taylor Swift para sa knaiyang “Look What You Made Me Do” makaraang makakuha ng 43 million na views sa loob ng isang araw.
Pero ang “Idol” ng BTS ay mayroong 56 million views.
Kamakailan, winasak din ng BTS ang record ni Justin Bieber sa Social 50 ng Billboard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.