LTO office sa QC napasok ng magnanakaw

Inquirer Photo
Tatlong tanggapan sa loob ng Land Transportation Office (LTO) ang napasok ng mga kawatan.

Ayon kay LTO law enforcement director Francis Almora, kabilang sa pinasok ang Data Control Unit, Custodial Office at ang Intelligence and Investigation Division Office ng LTO na pawang nasa 2nd floor ng LTO main office sa East Avenue sa Quezon City.

Ang butas na para sa air condition ang dinaanan ng mga suspek.

Nadiskubre ng mga empleyadong naka-duty ngayong araw kahit holiday ang naganap na pagnanakaw.

Sa ngayon inaalam pa ng pamunuan ng LTO at ng mga otoridad kung ano ang mga bagay na nanakaw.

Pero ayon kay Almora, maituturing na “critical” offices ang mga pinasok na tanggapan.

Read more...