BREAKING: 5 magkakapatid patay sa sunog sa Tondo, Maynila

By Ricky Brozas August 27, 2018 - 10:38 AM

Kuha ni Ricky Brozas

UPDATE: Patay ang limang magkakapatid sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 ng umaga sa bahagi ng Tioco at Herbosa Street sa Brgy. 91, Tondo Manila.

Ayon sa kagawad ng barangay sa lugar na nakausap ng Radyo Inquirer, nasawi ang limang bata makaraang ma-suffocate sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay.

Kabilang sa mga nasawi sina John Mike Emiliano 12y/o, Michael Emiliano 7y/o, Miko Emiliano 5y/o, Michaela Emiliano 4y/o. Habang hindi pa nakukuha ng mga otoridad ang pahkakakilanlan ng isa pa.

Nakaligtas naman ang 9 na taon gulang pang kapatid ng mga bitkima na si Make Emiliano. Nagtamo ng sunog sa kaniyang buhok si Make dahil aniyam tinangka niya pang yayain ang mga kapatid niyang bumaba at dumaan sa kanilang bintana.

Nasa palengke umano ang nanay ng mga bata habang ang tatay nila ay pumapasada ng pedicab.

Mayroon ding iba pang mga residente na nasugatan kabilang ang isang bata na nasugatan at nasunog ang buhok.

Ayon sa Manila Fire Bureau, naglalaro ng lighter ang magkakapatid na Emiliano at iyon ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire, Radyo Inquirer, Tondo Manila, fire, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.