Presong tumakas sa Cavite patay matapos manlaban sa mga pulis

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2018 - 10:23 AM

Police banner

Patay ang isang takas na preso matapos manlaban sa mga pulis sa Bacoor, Cavite.

Nasawi ang preso na si Marcelo Ruiz na mayroong kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Tumakas ang suspek mula sa Bacoor Custodial Center noon pang Hulyo.

Kahapon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtatago si Ruiz sa Barangay San Nicolas 3, at doon ay binalikan niya ang kaniyang pagtutulak ng droga.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, nang madatnan ng mga pulis sa lugar ay tumangging sumuko ang suspek at nakipagbarilan pa sa mga pulis.

Si Ruiz ay kasama ng mga pumugang preso noong nakaraang buwan.

Isa sa kanila ang nauna nang napatay din, at apat pa ang pinaghahanap.

TAGS: Bacoor Cavite, fugitive, War on drugs, Bacoor Cavite, fugitive, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.