Political parties pinagsusumite ng Comelec ng bagong listahan ng mga miyembro

By Ricky Brozas August 27, 2018 - 10:21 AM

Pinagsusumite na ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng mga rehistradong political party at political coalition sa bansa ng Sworn Information Updated Statement (SIUS).

Sa ilalim ng Resolution No. 10411, lalamanin ng dokumento ang lahat ng mga opisyal ng partido o kowalisyon, mga halal na myembro, listahan ng lahat ng mga myembro kabilang na ang mga guest candidate.

Itinakda ng COMELEC ang deadline ng pagsusumite ng ulat sa August 31, 2018 sa Office of the Clerk of the Commission sa Intramuros, Maynila.

Nabatid na ang mga rehistradong political party at coalition ay obligado rin na magsumite ng Annual Sworn Information Statement kada August 15 ng bawat taon.

Babala ng COMELEC, ang mga mabibigong makatalima sa nasabing rekisito ay ituturing na “prima facie” o malinaw na ebidensya na ang partido o kowalisyon ay buwag na o hindi na aktibo at magiging dahilan din para makansela ang kanilang registration.

Kaagad umanong magtatakda ang COMELEC En Banc ng pagdinig para sa kanselasyon ng political party na mabibigong magsumite ng SIUS.

TAGS: comelec, Political parties, Sworn Information Updated Statement, comelec, Political parties, Sworn Information Updated Statement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.