Grupo ng mga manggagawa sasabayan ng protesta ang paggunita sa National Heroes Day

By Ricky Brozas August 27, 2018 - 08:12 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Maagang naghanda ang mga militanteng grupo sa bahagi ng Mendiola sa Maynila para magsagawa ng kilos protesta ngayong National Heroes Day.

Sa bahagi ng España Blvd. sa Maynila nagtipun-tipon ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bago ang kanilang martsa patungong Mendiola.

Giit ng mga manggagawa, matindi ang epekto ng TRAIN Law sa mga obrero.

Inihihirit din nilang magbigay ng dagdag sahod ang pamahalaan lalo pa at naapektuhan ng mataas na presyo ng bilihin ang mga manggagawa.

TAGS: Kilusang Mayo Uno, national heroes day, Protest Rally, Radyo Inquirer, Kilusang Mayo Uno, national heroes day, Protest Rally, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.