10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2018 - 07:43 AM

Inquirer file photo

Sugatan ang sampung katao sa karambola ng tatlong mga sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Naganap ang karambola sa bahagi ng Barangay Old Balara.

Galing ng Cubao at pauwi ng Montalban ang UV Express na minamaneho ni Rolando Seguro nang ito ay banggain ng isa pang sasakyan.

Nagpaikot-ikot pa ang UV at pagtapos ay tinamaan ng isang paparating na pammpasaherong bus.

Sinabi ni Seguro na nagulat siya nang biglang binangga ang kaliwang bahagi ng kaniyang sasakyan.

Hawak na ng mga tauhan ng Quezon City Traffic ang driver ng asul na sasakyanna si Chito Fortu na sinasabing bumangga sa UV.

TAGS: accident, quezon city, Radyo Inquirer, accident, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.