Basketball team ng Pilipinas handa na vs South Korea

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2018 - 06:39 AM

SBP Photo

Kumpiyansa si Philippines head coach Yeng Guiao na handa ang men’s national basketball team ng bansa para sagupain ang koponan ng South Korea sa 2018 Asian Games sa Indonesia.

Alas 11:00 ng umaga oras sa Pilipinas ang simula ng laro para sa ikatlong laban ng Pilipinas sa Asian Games.

Sa sandaling manalo, magkakaroon ng tsansa ang Pilipinas na maka-aabante sa medal round.

Mula noong 1998 hindi pa nakaabot sa top 3 ang basketball team ng Pilipinas sa Asian Games.

Ang ilang araw na walang laban matapos matalo sa China ay ginugol ng basketall teal ng Pilipinas sa pag-eensayo upang matiyak ang kahandaan kontra South Korea.

TAGS: Radyo Inquirer, Samahang Basketball ng Pilipinas, sports, Radyo Inquirer, Samahang Basketball ng Pilipinas, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.